Si Lola Josefina ng Calauan, Laguna

  BY Ayala Foundation       November 17, 2016       Avviare farmers, MDC Farm, calauan-laguna
111716-si
Unti-unting natutupad ang mga pangarap ni Lola Josefina nang dahil sa MDC Farm

Si Lola Josefina, 65 taong gulang ay isa sa mga na-relocate sa Southville 7, Calauan, Laguna pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Dati siyang naglalabandera ngunit ngayon parte na siya ng MDC Farm, isang proyekto ng Makati Development Corporation at Ayala Foundation. Dahil sa pagsali niya dito, natutulungan na niyang tuparin ang pangarap ng kanyang apo na maging isang nurse.

Basahin ang buong panayam kay Lola Josefina:

Mailalarawan mo ba ang iyong buhay bago ka sumali ng MDC Farm?

Naglalabandera po ako. Wala ako ibang trabaho. P2,000 kada buwan lang ang kita ko dati. Tuloy-tuloy lang ako para kitain yan, walang kain-kain, walang almusal. Pero di yan kasya sa amin. May project kasi araw-araw (yung apo ko na nag-aaral). Inuutang ko yung kulang.

Ano ang mga pagbabago mula nang sumali ka sa MDC Farm?

Maganda na po ang buhay di tulad dati. Nakakaluwag-luwag na rin ako mula nang magtrabaho dito. Sobra pa nga po (ang kinikita). Nakakpag-ipon na. Di na umuutang. Binubuhay ko hanggang ngayon ang apo ko na iniwan ng mga magulang nila. Inuwi ko na nga siya sa mga magulang niya, pero ayaw niya dun. Ayaw niya talaga ako iwan. Pinapakain ko, pinapaaral ko. Balak daw niya mag-Nursing. Sabi ko, “Maabutan ko pa kaya ‘yan ng buhay (ang pagtatapos ng pag-aaral ng apo)? Bahala na ang Panginoon.”
Ano ang pangarap mo para sa MDC Farm?
“Gusto (ko) pagandahin ang taniman dito. Masaya ang samahan namin (mga farmers).”
Kontribusyon at panayam mula kay: Turo Tolentino